^

PSN Palaro

National athletes pinababalik na ng PSC sa pagsasanay

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Pinababalik na ng Philip­pine Sports Commission (PSC) sa pagsasanay ang mga national athletes simula sa Enero 15.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PSC chairman Ri­chie Garcia sa panayam ng DZSR Sports Radio kaugnay sa maagang pagha­handa ng mga atleta para sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.

“We will start early. I ha­ve already called on the athletes to report back by January 15 and start their training for the forthcoming 2011 Southeast Asian Ga­mes as well as for the qualifying events for the 2011 Olympic Games in London,” ani Garcia.

Nakatakda ang 2011 SEA Games sa Nobyembre 11 sa Palembang, Indonesia.

Ito ang pang apat na pagkakataon na panganga­siwaan ng Indonesia ang na­turang biennial event matapos noong 1979, 1987 at 1997 kung saan ang 21 sa kabuuang 44 sports events ay hahawakan ng Palembang.

Hangad ni Garcia na ma­paganda ang performance ng bansa sa 2011 SEA Games matapos ma­hulog sa pang lima sa overall standings sa nako­lektang 38 gold, 35 silver at 51 bronze medals.

“We will give it all kung ano talaga ang magagawa namin for our athletes to perform well in the 2011 South­east Asian Games,” pa­ngako ni Garcia.

Kasama sa plano ng sports commission ay ang pagbibigay sa mga atleta ng disenteng dormitoryo, sa­pat na pagkain, monthly allowance at international exposure.

“Let’s put our feet down and look at this situation seriously and do something about it,” sabi ni Garcia ma­tapos sorpresang bisitahin ang ilang dormitoryo ng mga atleta sa maalamat nang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

“May mga tao na akong pinapunta doon to determine kung sinong mga at­leta ang dapat nang mailipat ng dormitory kaagad,” wika ng PSC chief.

Bukod sa RMSC, ititira rin ng komisyon ang mga atleta sa Philsports Arena sa Pasig City. 

Maliban sa 2011 SEA Games sa Jakarta, ilalahad rin ni Garcia sa mga National Sports Assocations (NSA)s ang kanilang mga lalahukang quali­fying tournaments para sa 2012 Olympic Games sa London.

“We will also sit down with the NSAs kung ano ba talaga ang mga priority tournaments na sasalihan nila to qualify for the 2012 Olympic Games,” wika ni Garcia.

ASIAN GAMES

GAMES

GARCIA

NATIONAL SPORTS ASSOCATIONS

OLYMPIC GAMES

PALEMBANG

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with