^

PSN Palaro

3 kumpanya interesado sa PBA-D League

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Tatlong kompanya na ang nagparamdam ng kanilang interes na maglagay ng koponan kaugnay sa pina­­­plano ng Philippine Basketball Association (PBA) na farm league.

Ang naturang amateur league na mula sa NBA Developmental League ay ilalatag ni PBA Commissioner Chito Salud sa PBA Board of Governors sa malaking pulong sa Enero 25 sa Club Filipino.

Ang mga gustong magtayo ng koponan sa PBA-D League ay ang San Miguel Beer, Meralco at Maynilad.

Ang D-League ay magbubukas rin sa mga intere­sadong ballclubs na hindi miyembro ng PBA, ayon kay Salud.

“The PBA is not just about being the country’s top sports entertainment league,” wika ni Salud. “Our constitution mandates us to be involved in the development of Philippine basketball and to encourage greater participation in the game by opening new areas of competition.”

Ang pagkawala ng Philippine Basketball League (PBL) ang sinasabing naging malaking dagok sa mga amateur at collegiate cagers na makaakyat sa PBA.

Ang PBL ang siyang nagsibling ‘farm league’ ng PBA.

Sakaling aprubahan ng mga PBA governors, maa­aring ilunsad ang PBA D-League sa Pebrero o Marso ng taong ito.

Isang non-PBA company, ang Healthwell Nutraceuaticals, ay nagpakita na ng interes na sumali sa PBA D-League.

“The consensus was that we need a jump-off league for amateurs looking to go up to the PBA,” wika ni PBA chairman Rene Pardo ng Derby Ace. “The board made some inputs for the commissioner to consider.”  

ANG D-LEAGUE

BOARD OF GOVERNORS

CLUB FILIPINO

COMMISSIONER CHITO SALUD

D LEAGUE

D-LEAGUE

DERBY ACE

DEVELOPMENTAL LEAGUE

LEAGUE

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with