Hornets inilusot nina West, Ariza sa panalo
BOSTON - Ang New Orleans Hornets na ang sinasabing ‘most prolific 3-point shooters’ bago nakaligtas sa Boston Celtics.
Nagsalpak si Trevor Ariza ng isang tiebreaking 3-pointer sa huling 1:34 ng fourth quarter, habang humugot naman si David West ng apat sa kanyang 19 points sa huling minuto upang tulu-ngan ang Hornets sa 83-81 paglusot sa Celtics.
Tumalbog ang desperadong tres ni Ray Allen para sa Celtics sa huling segundo.
Nagtala si Paul ng 20 points at 11 assists para sa Hormets, habang kumabig naman si Emeka Okafor ng 18 points at 13 rebounds.
Pinangunahan naman ni Allen ang Boston sa kanyang 18 points kasunod ang 12 ni Paul Pierce at 11 ni Nate Robinson.
Natalo ang Cetlics sa tatlo sa kanilang huling apat na laro matapos maglista ng isang 14-game winning streak.
Hindi nakalaro si point guard Rajon Rondo sa pang pitong sunod na pagkakataon dahil sa kanyang sprained left ankle, habang si forward Kevin Garnett ay may strained right calf injury.
Hindi pa nakakalaro si center Kendrick Perkins dahil sa kanyang offseason knee surgery at si backup point guard Delonte West na may broken right wrist.
Sa Oklahoma City, umasinta si Kevin Durant ng season-high limang tres at tumapos ng 33 puntos upang pangunahan ang Thunder sa 103-94 paggiba sa Atlanta Hawks.
Nagtala si Durant ng 3 for 3 sa 3s sa inilatag na 16-6 run sa fourth quarter.
Sa Chicago, inilista ng home team ang kanilang pang-12 na panalo mula sa 14 games matapos na igupo ang New Jersey Nets, 90-81.
Sa Houston, kumana ang reserve guard na si Chase Budinger ng season-high 22 puntos upang tulungan ang Rockets na malusutan ang Toronto Raptors, 114-105.
Sa iba pang laro, nanalo ang L.A. Lakers sa Philadelphia 76ers, 102-98 at hiniya ng Pheonix Suns ang Detroit Pistons, 92-75.
- Latest
- Trending