^

PSN Palaro

Roach Trainer of the Year

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na pag­kakataon ay hinirang ng SecondsOut.com si Freddie Roach bilang kanilang Trainer of the Year.

Lalabas na si Roach pa lamang ang trainer na na­bigyan ng tatlong sunod na parangal at ginawa ito dahil sa naging mabunga ang 2010 para sa 50-anyos na trainer.

“This award is not simply given to the trainer who sets up shop in the corner of the best fighter,” wika ni Jason Pribila ng SecondsOut.com.

Kinilala ng naggawad ng parangal ang patuloy na magandang tambalan nina Roach at Manny Pacquiao na sa taong ito ay kumubra ng dalawang panalo kina Joshua Clottey at Antonio Margarito sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas sa unanimous decision.

Ang tagumpay nga kay Margarito ay nagsulong sa walo ang world titles sa magkakaibang dibisyon na hinawakan ng Pambansang kamao.

Pero hindi dito nasukat umano ang husay ni Roach kundi ang matagumpay niyang pagsasanay sa iba pang boksingero tulad nina Amir Khan, Julio Cesar Chavez Jr. at Mixed Martial Arts fighter Georges St. Pierre.

“While Roach twice guided Pacquiao to dominant victories in front of a total of nearly 80,000 fight gans in Dallas Cowboys sta­dium, Team Pacquiao basically did what they were supposed to do. What ma­de Roach stand out was the success he enjoyed from the corners of his ever expanding group of top level fighters,” pagpupugay pa ni Pribila.

Si Khan na hinawakan ni Roach matapos matalo ito kay Breidis Prescott no­ong 2008, ay kampeon pa rin ng WBA light welterweight title at kinatampukan ang dalawang panalo sa taong ito sa pamamagitan ng 11th round TKO tagumpay kay Paul Malignaggi.

Si Chavez Jr. naman ay ginabayan ni Roach sa laban kay John Duddy upang makuha ang bakanteng WBC silver middleweight title.

Pero ang nagselyo sa magandang taon para kay Roach ay nang kunin siya ni St. Pierre upang sanayin siya sa gagawing title defense sa Ultimate Fighting Championship (UFC).

Nagbunga ito dahil dominateng panalo ang kinuha ni St. Pierre laban sa challenger na si Josh Koscheck.

“Roach’s current workload is so impressive that it is easy to forget that he continually struggles from pugilistic Parkinson’s, a debilitating disease that may have caused by his own wars inside the ring,” wika pa ng SecondsOut.

Ito ang lalabas na pang­limang award ni Roach sa SecondsOut matapos mapanalunan din ito noong 2006 at 2003.

Nagsimulang ibigay ang parangal noong 2000, si James “Buddy” McGirt ang isa pang trainer na nabigyan ng higit na isang parangal nang manalo ito noong 2002 at 2004 habang sina Emmanuel Ste-ward (2000), Bouie Fisher (2001), Billy Graham (2005) at Enzo Calzaghe (2007) ang iba pang kinilala sa pa­rangal.

AMIR KHAN

ANTONIO MARGARITO

BILLY GRAHAM

BOUIE FISHER

BREIDIS PRESCOTT

COWBOYS STADIUM

DALLAS COWBOYS

ROACH

ST. PIERRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with