Bitoon, Barbosa kumikikig pa sa ASEAN Open chessfest
MANILA, Philippines - Tinalo ni Khanty-Mansiysk Olympiad veteran IM Richard Bitoon si FM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam para umakyat sa second hanggang sixth places sa first ASEAN Open chess championships sa Stanfield Residences sa Singapore.
Si Bitoon, seeded sixth sa 32-player field, ay naglaro nang walang nerbiyos sa puting piyesa upang igupo si Hoa.
Itinaas ni Bitoon ang kanyang rekord sa 3.0 points galing sa dalawang panalo at dalawang draw sa torneong bahagi ng annual seventh Singapore International Chess Festival.
Nauwi naman sa draw ang laro nina IM Oliver Barbosa at third seed GM Susanto Megaranto ng Indonesia.
May 3.0 points rin si Barbosa kagaya ni Bitoon sa ilalim ni top seed GM Zurab Azmaiparashvili ng Georgia patungo sa fifth round.
Binigo naman ni Azmaiparashvili, naglalaro para sa Singapore, si GM John Paul Gomez para sa kanyang 3.5 points mula sa tatlong panalo at isang draw.
Katabla nina Bitoon at Barbosa sa second hanggang sixth places sina GM Dao Thien Hai at IM Nguyen Van Huy ng Vietnam at Megaranto.
Binigo naman ni Reggie Olay si Agusta Laksa-na ng Indonesia, habang nakipag-draw si Nelson Mariano III kay GM Jayson Gonzales para sa kanilang 2.5 points.
Taglay ni Gonzales, head coach rin ng UAAP champion Far Eastern University, ang dalawang puntos upang banderahan ang grupo ng may tig-2 puntos na kinabibilangan nina Cebu sensation Kim Steven Yap, Merben Roque at Singapore-based Filipino Enrique Paciencia.
Samantala, piniga ni FEU standout Rulp Ylem si Zerle Cheng ng Singapore upang iangat ang kanyang iskor sa 2 puntos sa women’s division.
Gayunpaman, ang panalong ito ni Ylem ay natabunan ng kabiguan nang ang tatlong Pinay na sina--Beverly Mendoza ay natalo kay Nguyen Thi Hung ng Vietnam, Jenny Rose na yumuko kay Jslin Tay ng Singapore at Jedara Docena na nabigo kay Hoang Thi Nuh ng Vietnam.
- Latest
- Trending