^

PSN Palaro

Tamang budget lang ang dapat hingin--Garcia sa mga NSAs

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hiniling ng Philippine Sports Commission (PSC) na maging makatarungan ang mga National Sports As­sociations sa kanilang isinusumiteng budget na nais maipagkaloob ng ahensya ng palakasan ng bansa.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, nagugulat siya sa ilang mga re­quest mula sa NSAs da­hil sobrang laki ang kanilang nais na makuha pa­ra ipantustos sa kanilang programa para sa 2011.

Hinihingian ng PSC ang mga NSAs ng kanilang plano at budget requirements na dapat ay maipasa na ba­go matapos ang taong ito para agad na mapag-a­ralan ng komisyon katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC).

“May dalawang NSAs ang humihingi ng P40 million budget para sa kanilang mga programa. Sobrang laki ito at hindi na makata­rungan. Kahit na gaano pa kalaki ang perang ilalaan sa 2011 ay hindi magkakasya kung ganito kalaki ang gus­to ng isang NSA,” wika ni Garcia.

Hindi rin lulusot ang ga­nitong kahilingan dahil su­suriin din ito ng POC sa pangunguna ng pangulong si Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr.

“Kaya umaapela ako na maging realistic ang budget na kanilang hinihingi. I-review nila ang kanilang isusumite sa amin para ma­dali itong matalakay. Kung P40 milyon ang hihingiin ang kaya lang namin ay P5 milyon hindi na rin namin ito ibibigay sa kanila dahil hindi nila mapupunuan ang kakulangang halaga,” dagdag pa ni Garcia.      

Inaapura ng PSC ang mga NSAs dahil nais nilang magkaroon ng maagang paghahanda ng mga manlalaro para sa paglahok ng bansa sa Southeast Asian Games sa Indonesia.

vuukle comment

COJUANGCO JR.

GARCIA

KANILANG

NATIONAL SPORTS AS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with