^

PSN Palaro

Mga paborito umeksena agad sa Nat'l Open

-

MANILA, Philippines - Pinangatawanan nina Kenneth Monterubio at Gerard Sibayan ang pagi­ging top two seeds sa boys singles Under 17 nang ta­lunin nila ang mga naka­harap sa pagbubukas ng Ming Ramos-Victor National Open and Youth Badminton Championships na nagbukas kahapon sa Club 650 Badminton Center sa Libis, Quezon City.

Tinalo ni Monterubio si Diego Libiran, 21-9, 21-7, habang si Sibayan ay na­naig kay Jesschard Piol, 21-12, 21-14, upang maka­abante sa third round sa ka­nilang dibisyon.

Unang upset naman ang kinuha ni Lee Sabanal nang kalusin si fifth sed John Calbario, 1-12, 22-20, sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Badmindon Association (PBA).    

Bumawi naman si Piol nang manalo ito kay Ro­val Roasa, 21-5, 21-13, habang si Libiran ay umis­kor ng 21-0, 21-0, shutout panalo laban kay Kevin Ponciano sa Under-19 division.

Si Mikaela Aquino ay nanalo kay Alex Sibal, 21-6, 21-17, sa girls U-15 upang umabante sa second round laban sa pambato ng dibisyon na si Cassandra Lim.

Nanalo rin si Faith De Vera kay Andee Pamintuan, 21-16, 21-16.

ALEX SIBAL

ANDEE PAMINTUAN

BADMINTON CENTER

CASSANDRA LIM

DIEGO LIBIRAN

FAITH DE VERA

GERARD SIBAYAN

JESSCHARD PIOL

JOHN CALBARIO

KENNETH MONTERUBIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with