^

PSN Palaro

Lavandia nagbida sa 5 ginto ng Pinas sa Asian Masters

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinagbidahan ng dating pambato sa athletics na si Erlinda Lavandia ang mabungang kampanya ng Pilipinas sa idinaos na 16th Asian Masters Athletics Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa edad na 59 anyos, naipalabas pa rin ni Lavandia ang pormang hinangaan sa kanya habang naglalaro sa paboritong javelin throw event upang makapagtala ng bagong record sa 55-60 age group.

Naitapon ni Lavandia ang aparato sa 39.30 metro upang tabunan ang 36 metro na hawak ng isang Indian thrower.

Hindi nga nakaporma ang mga humamong sina Kayako Maeda ng Japan at Tay Yu Eng ng Malaysia na nalagay na lamang sa ikalawa at ikatlong puwesto.

Nagpasikat din si Lavandia sa larangan ng shotput sa 9.86m at sa discus throw sa 27.20m marka para sa dalawa pang gintong medalya.

Sina Emerson Obiena at Antonio Chee ay nakagawa rin ng mga Asian records sa larangan ng pole vault.

Naalpasan ni Obiena ang bar sa 4.40 meters para isantabi ang 4.30m dating record sa 35-39 age group habang si Chee ay may 3.90 metro o 30 sentimetro na mas mataas sa 3.60m dating record sa 45-49 age category.

Si Elenita Funelas ay nakasungkit ng bronze medal sa 35-39 women’s long jump sa 4.25m habang ang 60 anyos na si Willy Suarez ay hindi pinalad sa 5000m at 10000m run.

Umabot sa 17 bansa ang sumali sa kompetisyon at ang Pilipinas sa bisa ng limang ginto at isang bronze medal ay tumapos sa ikalima sa pangkalahatan.

Sunod na paghahandaan ng mga atletang ito ay ang World Masters Athletics Championships sa Sacramento, California sa Hulyo, 2011.

ANTONIO CHEE

ASIAN MASTERS ATHLETICS

ELENITA FUNELAS

ERLINDA LAVANDIA

KAYAKO MAEDA

KUALA LUMPUR

LAVANDIA

PILIPINAS

SINA EMERSON OBIENA

TAY YU ENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with