^

PSN Palaro

Buenafe, Lanete tatanggap ng UAAP/NCAA PC Pivotal Player award

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sa ipinakitang husay lalo na sa championship series ay tatanggapin nina Ryan Buenafe at Garvo Lanete ang pagiging Pivo­tal Pla­yers Award mula sa UAAP at NCAA Press Corps sa Collegiate Basketball Awards sa Enero 17 sa Topaz I ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Si Buenafe ay kikilalanin dahil tinulungan niya ang Ateneo sa paghablot ng ikatlong sunod na titulo sa UAAP nang talunin nila ang Far Eastern University sa dalawang magkasunod na laro.

Sa deciding Game 2 ng best-of-three championship series lumabas ang tikas ni Buenafe upang mapawi ang kawalan nito sa tamang kondisyon bago nagsimula ang liga.

 Ibinagsak ni Buenafe ang 23 puntos at 10 rito ay ginawa sa huling yugto upang halos na mag-isa niyang sinagupa ang Tamaraws tungo sa 65-62 panalo.

Si Lanete naman ang nagbida sa San Beda nang gumawa ito ng makasaysayang 18-0 sweep sa NCAA.

Isa si Lanete sa mga si­nandalang manlalaro ng koponan sa kabuuan ng liga nang maghatid ito ng 15 puntos, 6 rebounds at 3.5 assists.

Sa Finals ay kuminang rin ito nang ibagsak ang pamatay na tres sa Game 2 upang mapawi ang paghahabol ng Stags at makuha ang titulo sa bisa ng 70-65 itagumpay.

vuukle comment

BUENAFE

COLLEGIATE BASKETBALL AWARDS

FAR EASTERN UNIVERSITY

GARVO LANETE

GATEWAY SUITES

PRESS CORPS

QUEZON CITY

RYAN BUENAFE

SA FINALS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with