^

PSN Palaro

2 grupo sa cycling hinimok ni Peping na magkaayos na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Hinimok ni POC president Jose Cojuangco, Jr. ang dalawang grupo sa cycling na ayusin na ang gusot upang hindi na maulit pa ang nangyari sa Laos SEA Games noong 2007.

Ayon kay Cojuangco, mas makakabuting mag-usap na ang lider ng dalawang paksyon at kung hindi maisasaayos ang problema ay dapat nang idulog ito sa Court of Arbitration for Sports (CAS) upang madesisyunan kung sino ang dapat na maupo bilang pangulo ng cycling ng bansa.

Inihalimbawa ni Cojuangco ang nangyari sa Philippine Football Federation (PFF) na kung saan dumiretso si Mariano Araneta sa international body FIFA upang maipaliwanag ang sarili at aksyong ginawa na kinala­unan ay naintindihan ng FIFA at siya na ang kinilala bilang lehitimong pangulo kahalili ng pinatalsik na si Jose Mari Martinez.

Ang grupo ni Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino ang may basbas ng international body na UCI habang ang kampo ni dating PSC chairman na si Dr. Philip Ella Juico ang siyang kinikilala naman ng POC.

“Ang problemang nakikita ko kapag may conflict, imbes na sa tamang lugar pag-usapan ang problema, sa media nila ito dinadala at nagpapaki­tang-gilas. That doesn’t help and makes matter worst,” pahayag ni Cojuangco.

“Matagal ko na pinag-sabihan ang dalawang gru-po to take it up with the CAS. Kapag nadesisyunan na, wala ng magkukuwestiyon doon,” dagdag pa ng POC head.

Hindi rin siya sang-ayon sa panukala ni Partylist Congressman Arnel Ty na nagbabalak na magsagawa ng imbestigasyon sa kung bakit magulo ang cycling sa bansa at nagresulta upang humina ang larong nakikita sa pambansang siklista.

“Wala namang magaga-wa ang Kongreso sa problemang ito at ang masama pa baka pa maging government intervention ito at baka tayo masuspindi,” pahayag ni Cojuangco.

Pinangangambahan na lalala pa ang problema sa liderato.

AYON

COJUANGCO

COURT OF ARBITRATION

DR. PHILIP ELLA JUICO

JOSE COJUANGCO

JOSE MARI MARTINEZ

MARIANO ARANETA

PARTYLIST CONGRESSMAN ARNEL TY

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

TAGAYTAY CITY MAYOR ABRAHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with