^

PSN Palaro

Rivera muling pinasikat ang bowling

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nanumbalik uli ang sigla ng bowling sa bansa dahil sa pagpupursigi ni Engelberto “Biboy” Rivera.

Ang dating World Masters champion ay muling nag­pamalas ng kahusayan sa sport nang kuminang sa dalawang malaking kom­pe­tisyon na sinalihan sa taong 2010.

Nagselyo sa puwesto ni Rivera bilang pinakamahusay na manlalaro ng taon sa nasabing sport ay nang kunin ng 36-anyos na bowler ang gintong medal­ya sa singles event sa Asian Games sa Guangzhou, China.

Tumipak siya ng 1,414 pins sa six-game series pa­ra talunin si Mohammed AMA Alrgeebah ng Kuwait na may 1,404 pins. Ang gintong medalya ay nagresulta rin para magkamit ng P1 milyong pabuya si Rivera mula sa Philippine Sports Commission (PSC) base sa Incentives Act.

Ang tagumpay ay nang­yari matapos kumuha ng bronze medal si Rivera sa World Bowling Cup sa Toulon, France.

Nanguna pa sa isang puntos sa qualifying round, nakontento si Rivera sa bronze medal nang matalo kay Michael Schmidt ng Canada sa dalawang laro sa pagbubukas ng stepladder round.

Si Schmidt ang itinang­hal na kampeon ng torneo nang manalo pa kay Matt Miller sa finals para ibulsa ang ikalawang World Cup title.

Nakisalo rin kay Rivera si Frederick Ong nang ku­nin naman nito ang bronze medals sa Asian Games singles event sa ginawang 1390 pins.

 Sina Rivera at Ong ay magbabalik sa 2011 upang mapangunahan ang gagawing kampanya sa Southeast Asian Games sa Indonesia sa bandang Nob­yembre.

Samantala, isa rin si Ri­vera sa pinagpipiliang ma­ging head coach ng National team matapos na mag­bitiw si Jojo Canare upang tanggapin ang alok ng Egypt na siyang huma­wak naman ng kanilang National team.

ASIAN GAMES

FREDERICK ONG

INCENTIVES ACT

JOJO CANARE

MATT MILLER

MICHAEL SCHMIDT

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIVERA

SHY

SI SCHMIDT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with