^

PSN Palaro

Arenas bumandera sa Magic sa paghiya sa Spurs

-

FLORIDA--Naglista si Gil­bert Arenas ng 14 pun­tos bukod pa ang siyam na assists upang tu­lungang ibangon ang Orlando Magic sa pagposte ng 123-101 panalo laban sa San Antonio Spurs nitong Huwebes sa NBA.

Ang panalong ito ng Magic ang siyang tumapos sa 10-game winning streak ng Spurs.

Humatak rin si Arenas ng anim na rebounds kung saan nakakuha siya ng ma­laking tulong mula kay Jason Richard na tu­mapos ng 15 puntos at winakasan ng Magic ang kanilang walong dikit na pag­katalo sa kanilang siyam na pakiki­paglaban at sa unang pag­kakata­on ay nagawa nilang mag­­wagi matapos ang isinagawang dalawang blockbuster trades.

Nagposte naman si Dwight Howard ng 29 puntos at 14 rebounds para sa kanyang panibagong dominanteng per­formance para sa Magic na kumana ng 59 percent mula sa floor.

Nanguna sa opensa ng Spurs si Tony Parker na nag-lista ng 16 puntos, habang nagdagdag naman si Tim Duncan ng 12 puntos at nalasap ng NBA-best Spurs ang ka­nilang ikaapat na pagkatalo matapos manalo ng 25 games.

Si Arenas ang nagmani­obra sa ginawang malaking atake ng Magic kung saan lumaro siya ng ma­­laking oras mula sa bench.

Umentra siya sa Spurs na lamang ng anim na puntos sa first quarter at mula dito gumawa siya ng matin­ding opensa at tulungan ang Orlando sa pag-angking ng 62-53 pangunguna sa halftime tungo sa kanilang panalo.

DWIGHT HOWARD

GIL

HUMATAK

JASON RICHARD

ORLANDO MAGIC

SAN ANTONIO SPURS

SHY

SI ARENAS

TIM DUNCAN

TONY PARKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with