Lady Altas top seed team sa NCAA volley
MANILA, Philippines - Tinalo ng University of Perpetual Help ang Arellano Universtity, 25-15, 25-15, 25-15, para maging top seeded team sa pagtatapos ng single-round eliminations sa women’s division ng 86th NCAA volleyball tournament sa Emilio Aguinaldo College Gym.
Sa kanilang 7-1 rekord, nakisalo ang Lady Altas sa San Sebastian belles at St. Benilde Lady Blazers para sa No. 1 spot patungo sa semifinal round.
Nauna rito, tinalo ng St. Benilde ang Mapua, 25-6, 25-6, 25-7.
Ngunit sa huli, ang Perpetual ang nakakuha ng top seed mula sa kanilang highest tiebreak score--FIVB (World Volleyball Federation) quotient kontra San Sebastian, ang nagdedepensang kampeon, at St. Benilde na naging No. 2 at No. 3, ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending