MANILA, Philippines - Pinadali ng organizers ng 2011 Subic International Marathon ang pagpapatala ng mga runners na nagnanais na sumali sa patakbo na gagawin sa Enero 9 sa Remy Field sa loob ng Subic Bay.
Kailangan lamang ng mga mananakbo na buksan ang website na www.subicinternational marathon.info at hanapin ang links. Ang pagbabayad naman sa registration fee ay maaari sa pamamagitan ng credit card.
Ikinokonsidera ang patakbong ito na pinakaligtas dahil sa loob ng dating US naval base gagawin ang 42-K, 21-K, 10-K, 5-K at 3-K races.
“Hanggang December 29 lamang maaring magpatala sa mga registration partners namin pero ang mga nais na humabol matapos ang nasabing petsa ay maaaring magpatala sa online,” wika ni Gen. Sam Tucay na siyang nagtatag ng nasabing marathon dalawang taon na ang nakalipas.
“We are excited to show the splendor of Subic as race destination in the Philippines. Fresh air, spectacular terrain and a wonderful community are the ingredients to a memorable marathon or fun run,” dagdag pa nito.
Inaasahang papalo sa 13,000 ang mga runners na makikiisa sa edisyong ito na kung saan si Eric Imperio ang tatayong race director.
Gagamitin din sa karerang ito ang mga timing chips upang madaling madetermina ang mga oras ng mga tumakbo.