^

PSN Palaro

Araneta palalakasin ang football sa bansa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng bagong luklok na pangulo ng Philippine Football Federation na si Mariano “Nonong” Ara­neta na mas gaganda na ang takbo ng football sa bansa dahil pagkakaisahin niya ang mga sumusuporta sa sport sa bansa.

“It’s time to unite and truly revive Philippine football. We will ride on the mo­mentum of the success of our team,” wika ni Ara­neta.

Kinilala na ng interna­tional body FIFA ang lidera­to ni Araneta na iniupo ng mayorya ng board of directors upang makahalili ang pinatalsik na si Jose Ma­ri Martinez.

Si Jerome Valcke na FIFA sec-gen ang sumulat sa PFF upang batiin si Araneta dahil kinilala na siya ng FIFA matapos ma­kuha ang mga dokumen­tong nagpapatunay na nasa tamang proseso isinagawa ang pagpapatalsik kay Martinez.

May liham din si Geoff Thompson na FIFA vice pre­sident at chairman ng as­sociation committee no­ong Nobyembre 27 na nag­sasaad na tama ang hak­bang na ginawa ng PFF nang tanggalin nila si Martinez.

“Based on this opinion, we consider that the motion to remove the PFF president Jose Mari Martinez was accepted and that the has been replaced by Mariano “Nonong” Araneta,” pa­­hayag ni Thompson sa kanyang liham.

Maninilbihan si Araneta ng hanggang Nob. 26, 2011 at pangunahin niyang plano ay ang pagsasagawa ng mga kompetisyon upang makatuklas pa ng mga bagong mukha para sa pambansang koponan.

May plano rin si­lang habulin si Martinez na hindi pa nali-liquidate ang P2.8 milyon pera ng asosasyon.

“I’m not the one to say if charges will be filed against him. It’s the board that will decide on that. But if someone is accountable, then he will be made accountable,” pahayag pa ng bagong PFF president.

vuukle comment

ARANETA

GEOFF THOMPSON

JOSE MA

JOSE MARI MARTINEZ

KINILALA

MARIANO

NONONG

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SHY

SI JEROME VALCKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with