Pinay woodpusher bronze sa Grand Asian chessfest
MANILA, Philippines - Sumikwat si Woman Fide Master (WFM) Rulp Ylem Jose ng bronze medal sa 2010 Grand Asian Chess Championship (GACC)--Ladies Section sa University of Malaya (UM) Second College sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nakuntento sa draw si Jose, miyembro ng reigning multi-titled UAAP Champion Far Eastern University (FEU) chess team ni two-time Olympian Grandmaster (GM) Jayson Gonzales, kay WFM Jeslin Tay ng Singapore sa ninth at final round para sa 7 points.
Nasa ilalim si Jose nina silver medalist WIM Ekaterina Kharashuta (7.5 points) at gold medalist WGM Vera Nebolsina (8 points) na kapwa mula sa Russia.
Nakapasok rin sa Top Ten sina FEU Lady Tams WFM Jedara Docena, Lovelyn Medina, Jenny Rose Palomo at Rona Reigner Senora.
Kabuuang 43 players mula sa Russia, Singapore, Iran, Sri Lanka, Malaysia at Philippines ang lumahok sa naturang annual chess event.
Sa mens competitions, kinuha naman nina IM Dar-ban Morteza (8 points) at Nasri Amin ng Iran ang gold at silver medal, ayon sa pagkakasunod, habang si GM Pavel Maletin ng Russia ang umangkin sa bronze medal.
- Latest
- Trending