Mas malaking swimming relay sa 2011 ikakasa uli
MANILA, Philippines - Hindi titigil ang organizers ng Great Pinoy Peace and Unity Swim sa hangaring makagawa ng kasaysayan sa Guiness world record.
Nabigo ang nagtaguyod ng dalawang araw na swim event noong Disyembre 10 hanggang 11 sa Diliman Preparatory School sa Quezon City sa hanagring mabura ang record sa pinakamaraming manlalangoy na lumahok sa relay sa loob ng isang araw.
Ang marka ay hawak ng Italy na 5,028 swimmers pero ang ginawa sa DPS ay umabot lamang sa 4,523 swimmers.
“We’re planning another attempt by next year and we will announce the details soon to create awareness on this project,” wika ni dating Senador at ngayon ay pangulo ng DPS na si Nikki Coseteng ng dumalo sa PSA Forum kahapon.
Hindi man nabura ang record ay masaya pa rin si Coseteng sa naganap na event dahil dinagsa rin ito ng mga malalaking personalidad.
Kasama nga sa nakiisa ay ang anak ng Presidential sister Kris Aquino na si Josh na lumangoy din.
“Ang makita na maraming manlalangoy mula sa iba’t -ibang sector na nakiisa ay isang accomplishment na. Dahil patunay ito na kayang magkaisa ng mga swimmers sa isang magandang layunin,” dagdag pa ni Coseteng.
- Latest
- Trending