^

PSN Palaro

Nat'l Inter-Cities chessfest dinomina ng DLSU-Manila

-

MANILA,Philippines - Tinanghal na kampeon ang La Salle-Manila sa idinaos na 2010 National Inter-Cities and Municipa­lities rapid chess team cham­pionship sa People’s Astrodome sa Dagupan City.

 Tumayong bida para sa nasabing koponan sina Joel Pimentel at Jimsoon Bitoon nang pangunahan ang koponan sa kanilang huling tatlong laban para magkaroon ng kabuuang 16 puntos matapos ang 9-round ang La Salle-Manila. Ang tagumpay ay nag­kahalaga ng P70,000.

Kinatampukan ng pagpapakitang-gilas nina Pimentel at Bitoon nang ki­naharap ang Local Water Utilities Administration-Quezon City sa ikasiyam at huling round.

Tinalo ni Pimentel si Mari Joseph Turqueza habang si Bitoon ay namayani kay Jayson Mercado upang kunin ng La Salle-Manila ang 2.5-1.5 panalo.

 Sa kabuuan ay uma­ni ng pitong panalo at da­lawang tabla ang nagkam­peong koponan sa dala­wang araw na tagisan na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) katuwang ang Dagupan City government.

BITOON

DAGUPAN CITY

JAYSON MERCADO

JIMSOON BITOON

JOEL PIMENTEL

LA SALLE-MANILA

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION-QUEZON CITY

MARI JOSEPH TURQUEZA

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with