Sa PBA elims top performer award: Devance bumanadera na

MANILA,Philippines - Patuloy na umaagaw ng eksena ang Afro-haired na si Joe Devance ng Alas­ka Aces para sa Rain or Shine-PBA Elims Top Performer Award ng 2010-2011 PBA Philippine Cup.

Nasa ilalim ni Devance sina Arwind Santos ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text forward Harvey Carey.

Ang 6-foot-7 na si Devance ay humakot ng kabuuang 35.57 average statistical points sa 14 games ng classification round kasunod sina Santos (34.79) at Carey (34.57).

Ang magiging top choi­ce ang makakasama ni Tropang Texters forward Ranidel de Ocampo bi­lang ikalawang tatanggap ng nasabing award na ibi­nibigay ng PBA Press Corps sa best performing player sa elimination at quarterfinal rounds ng All-Filipino Conference.

Kagaya rin ito ng regular season MVP award.

Sa classification phase, nagposte si Devance ng mga averages na 19.2 points, 8.9 rebounds, 3.3 assists, 0.6 steal at 1.3 blocks per game patungo sa kanyang , 428 statistical points.

Nagtala naman si Santos ng 16.6 ppg, 9.1 rpg, 0.8 apg, 1.0 spg at 1.2 bpg para sa kanyang 377 SPs, habang may 12.4 ppg, 12.9 rpg, 2.4 apg, 0.8 apg, at 0.3 bpg si Carey sa kanyang 374 SP.

Umabante ang Talk ‘N Text at San Miguel sa best-of-seven semifinal series matapos talunin ang Rain or Shine at Air21, ayon sa pagkakasunod, na inaasahang magpapalakas sa kampanya nina Carey at Santos.

Hawak naman ng Aces ang 1-0 lead kontra Ginebra Gin Kings sa kanilang best-of-3 quarterfinal playoffs.

Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Jay Washington (33.77 average SPs) ng San Miguel, Kelly Williams (30.42) at Jimmy Alapag (30.21), ng Talk ‘N Text , Rabeh Al-Hussaini (29.64) ng Air21, Willie Miller (29.50) ng Ginebra, Dondon Hontiveros (29.29) ng San Miguel at Ali Peek (29.21) ng Talk ‘N Text. 

Show comments