^

PSN Palaro

Team Remate ginawang basahan ng Philippine Star

-

MANILA, Philippines –  Inilabas ng The Philippine Star ang itinatagong galit sa kani-kanilang dibdib upang ipaghiganti ang tinamong kabiguan ng sister team na Pilipino Star NGAYON ma­ka­raang pakainin ng alikabok ang Team Remate, 92-71 sa semifinals ng Remate/Ahon Foundation Inter Publication basketball tournament sa San Andres Sports Complex sa San Andres kahapon.

Ang panalo ay nagdala sa Starmen sa finals at ma­­kakasagupa nila ang Team People’s Tonight na na­kalusot naman sa Team Hataw, 122-109 sa isa pang semis match.

Sa simula pa lamang ng bakbakan ay nagmistulang mga basang sisiw na nabalian ng mga pakpak ang Remate ng halos hindi sila makagawa ng basket bunga ng matinding depensa ng mga higanteng manlalaro ng Star sa pangunguna nina Cris Corbin, Ting Hojilla, Gerald Ortega at Nestor Reyes ng umalagwa agad sa unang bugso pa lamang ng first half.

Isa sa naging malaking sandata ng Starmen ay ang tikas nila sa 3-point area na hindi nagawang tapatan ng Remate kung saan lulugo-lugo sila at nag­mistulang mga basa­hang ipinamunas sa buong sta­dium.

Pinilit ng Remate na pa­liitin ang inilatag na ma­laking pundasyon ng Starmen, ngunit para lamang silang mga batang musmos na inagawan ng kendi sa pagpipilit na makadikit sa laban.

Sa huling 4 na minuto ng laro,ibinuhos ng Starmen ang kanilang matinding opensa at tambakan ng halos 21 puntos tungo sa kanilang panalo.

AHON FOUNDATION INTER

CRIS CORBIN

GERALD ORTEGA

NESTOR REYES

PHILIPPINE STAR

PILIPINO STAR

SAN ANDRES

SAN ANDRES SPORTS COMPLEX

SHY

STARMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with