^

PSN Palaro

Bonzo kampeon sa Elite ICFP race

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Pinagharian ni Mark Julius Bonzo ang elite division sa inilargang 2010 Integra­ted Cycling Federation of the Philippines (ICFP) Pamaskong Handog sa mga Siklista kahapon sa Quezon City Circle.

Ang 23-anyos na si Bon­zo na anak ng 1983 Tour Champion na si Romeo Bonzo, ay kumawala sa huling 500m sa 10-ikot na karera laban sa dala­wang Bikolanong riders para makopo ang titulo at ang P7,000 gantimpala.

“Hindi ko inakala na ma­nanalo ako dahil nakakatakot ang daan dahil madulas dala ng ulan. Lumayo kami sa lead pack pagpasok sa seventh lap at mula rito ay tinuluy-tuloy na namin,” wika ni Bonzo na 2009 Tour ng Luzon Rookie of the Year, na may bilis na 24 minuto at 26.73 segundo.

Pumangalawa si Cris Jo­ven habang si Rudy Ro­que ang pumangatlo sa karerang inorganisa ng ICFP habang si Irish Valenzuela ang tumapos lamang sa ikaapat na puwesto.

Ang paglahok ni Bonzo ay ginagamit niya bilang bahagi sa paghahanda sa pagsali uli nito sa Tour ng Luzon sa 2011.

Nakuha ni Bonzo ang karapatang masama sa Tour nang tumapos ito sa ika-17th puwesto sa qualifying road race sa Tagaytay City kamakailan.

Kuminang naman si Ar­nold De Jesus sa juniors habang ang beteranong si Ruel Gendrano ang nangi­babaw sa Masters.

Si De Jesus ay nakita­an ng tibay sa hamong hatid ngmga national riders na sina John Mark Camingao at George Oconer nang kunin ang panalo sa 10-ikot ding karera sa bilis na 24:58.78 tiyempo.

Si Gendrano ay naora­san naman ng 2:52:97 para talunin sina Rex Cortez at Jun Divinaflor.

Si ICFP president Philip Ella Juico ang siyang nanguna naman sa simpleng opening ceremony kasama ang mga ICFP officials na sina Pio Chua, Loy Cruz at Ricky Cruz. 

BONZO

CRIS JO

CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

DE JESUS

GEORGE OCONER

IRISH VALENZUELA

JOHN MARK CAMINGAO

JUN DIVINAFLOR

LOY CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with