ICFP magdaraos ng Christmas bikefest bukas
MANILA, Philippines - Sa hangaring masundan ang tagumpay ng nakaraang National Open Cycling Championships, idaraos ng Integrated Cycling Federation of the Philippines ang isang one-day cycling event na tinaguriang “ICFP Pamaskong Handog sa Mga Siklista” bukas sa Quezon Memorial Circle.
Sinabi ni ICFP president Dr. Phillip Ella Juico na binuksan ng cycling body ang kanilang pintuan para sa mga cyclists, kasama na ang mga hindi nakasali sa National Open.
“Since it ‘s Christmas time , we decided to put up a race on Sunday to give cyclists a chance to compete with one another in a friendly atmosphere, including those who missed the challenge of the National Open,” ani Juico, dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Secretary ng Department of Agrarian Reform sa ilalim ni dating President Corazon Aquino.
Malalaking cash prizes ang nakataya sa one-day racing extravaganza sa iba’t ibang kategorya na inihanda ng ICFP Technical Committee kagaya ng Elite, Master at Junior Divisions.
Maaring magpatala ang mga interesado sa Quezon Memorial Circle bago ang karera.
Sa ilalim ni Juico muling binuhay ng ICFP ang National Open Cycling Championships matapos ang 25-year absence.
Si mountain-bike specialist Eusebio Quinones ang naghari sa national bikefest matapos dominahin ang MTB at road race competitions.
- Latest
- Trending