AFF nangakong ibibigay sa Pinas ang hosting ng isang laro sa finals kapag pumasok

MANILA, Philippines –  Ibibigay ng ASEAN Foot­­ball Federation sa Pi­lipinas ang isang hosting kung pumasok ito sa Finals sa AFF Suzuki Cup.

Gagawin ito ng AFF ka­hit wala ang bansa ng foot­ball pitch na kayang mag­lagay ng 15,000 ma­nonood.

 Ang Pilipinas ay kasalukuyang nakikipagtuos sa Indonesia sa semifinals habang sinusulat ang balitang ito at ang dalawang laro ay gagawin sa Jakarta dahil hindi handa ang bansa na tumayong host base sa ibi­nigay na ulat ng nasibak ng Philippine Football Federation (PFF) president Jose Mari Martinez sa AFF.

Ngunit kumilos ang ibang sports officials ng ban­sa at si POC chairman Monico Puentevella ay nakipag-usap sa AFF at nakuha ang tiwala ng mga opisyal nito na ka­yang tumayo bilang punong abala ang bansa kung makapasok ito sa Finals ng kompe­tisyon.

Si Ravy Khek na chairman ng competitions committee ng AFF ang siyang nagbigay ng kasiguruhan na puwedeng gawin sa bansa ang hosting ng isang laro sa Finals.

 Ang Panaad Stadium ang balak na pagdausan ng laro dahil ito ay tumayo na bilang host sa 2005 SEA G, 2006 AFF qualifier at ang Asian Women’s Championships noong 19­99.

Daragdagan na lamang ang ilaw nito upang mas lumiwanag na magiging ka­aya-aya sa mga maglalaro, manonood at mga co­verage teams na nais na maisaere ang laban.

Show comments