^

PSN Palaro

Dominasyon ng mga Kenyan sa marathon, natapos sa 34th Milo National Finals

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kagaya ng iba pang sports, nagiging ‘global’ na rin ang marathon scene sa bansa.

Isang halimbawa rito ay ang dominasyon ng mga Ken­yan runners sa mga local marathon events.

“I came here in the Philippines as an athlete and I would like to compete against Filipino runners,” sabi ni Susan Jemutai, isa lamang sa sinasabing 15 Kenyans na sumasabak sa mga local events simula no­ong nakaraang taon.

Bagamat nadomina ng mga kagaya ng 28-anyos na si Jemutai ang ilang run­ning events, nabigo na­man silang angkinin ang nakaraang 34th Milo Natio­nal Finals noong Linggo sa Quirino Grand Stand sa Lun­eta Park.

Pinagharian ni Eduardo “Vertek” Buenavista ang men’s 42-kilometer race upang talunin sina Willy Ta­nui at William Kipyego ng Kenya.

Nagrehistro ang tubong Sto. Niño, South Cotabato ng bilis na 2:24:18 para ungu­san ang 6’2 na si Tanui (2:29:00) at ang 5’11 na si Kipyego (2:30:19).

Bukod kina Tanui at Kip­yego, ang iba pang Kenyan runners na lumahok sa 42K ay sina Philip Ronah at Abraham Missos na nag­lista ng mga oras na 2:35:38 at 2:36:06, ayon sa pagkakasunod, para pu­muwesto bilang No. 7 at No. 8.

“Okay lang naman kung sumali ang mga Kenyans kasi tataas ang level ng competition natin,” sabi ng 32-anyos na si Buenavista, isang two-time Olympic Ga­mes campaigner.

Ayon kay Gloria Reyes, isang ‘angel’ ni Makati Rep. Abigail Binay, katulad rin ng mga Pinoy ang mga Ken­yans na humahanap ng ma­gandang pagkakataon para maiangat ang kani­lang kabuhayan.

“Parang mga OFWs rin naman sila eh. Ang ka­­ibahan lang sa sports sila su­masali,” sabi ni Re­yes, pansamantalang tinu­tulu­ngan sina Jemutai at James Tallam na tumutuloy sa isang apartment sa Taytay, Ri­zal.

Ilang pagkakataon ring iniligaw ng ilang marshalls sina Jemutai sa isang event para palagpasin ang mga Pinoy.

“Hindi maganda ‘yon. Sports ito eh, dapat magsumikap kang mag-improve ang performance mo. Hindi mo sila dapat ituring na personal na kalaban. Sila nga ang magtataas sa le­vel of competition natin eh,” ani Reyes sa ilang local runners na inireklamo ang pagsali ng mga Kenyans.

Si Jemutai ay sumegun­da sa 22-anyos na si Flor­deliza Donos ng Puerto Princesa City sa women’s 42K event ng Milo.

Naglista si Donos, nagtapos ng Criminology sa Univesity of Baguio, ng ti­yempong 3:05:07 para talunin sina Jemutai (3:07:52) at local bet Mary Joy Tabul (3:08:38). Pumuwesto si Kenyan Irine Kipchumba sa No. 6 sa kanyang oras na 3:19:54.

Si Tallam naman ang maghari sa men’s 21K sa bilis na 1:10:23 kasunod ang mga Pinoy na sina Rafael Poliquit (1:12:41) at ang beteranong si Roy Vence (1:12:50).

ABIGAIL BINAY

ABRAHAM MISSOS

BUENAVISTA

DONOS

GLORIA REYES

JAMES TALLAM

JEMUTAI

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with