Aces humirit ng panalo sa Tigers
MANILA, Philippines - Sapat na ang kanilang arangkada sa third period upang masikwat ang alinman sa No. 4 o No. 5 seat sa quarterfinal round.
Nagpasabog ng 28 points sa kabuuan ng third quarter at nagtayo ng isang 20-point lead sa kaagahan ng fourth period, tinalo ng Alaska ang sibak nang Powerade, 86-78, sa pagtiklop ng elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa 28 produksyon ng Aces sa third period, tumipa ng tig-8 sina Cyrus Baguio at Tony Dela Cruz, habang may 6 naman si Joe Devance kumpara sa kabuuang 18 ng Tigers.
Tinapos ng Alaska ang eliminasyon sa kanilang 7-7 baraha sa ilalim ng Talk ‘N Text (11-3), San Miguel (11-3) at Barangay Ginebra (10-4) katabla ang nagdedepensang Derby Ace (7-7) at kasunod ang Meralco (6-7), Air21 (6-8), Rain or Shine (5-8) at mga talsik nang Powerade (3-11) at Barako Bull (3-11).
Ang No. 1 Tropang Texters ang haharap sa No. 8 team, habang ang No. 2 Beermen ang sasagupa sa No. 7 squad sa quarters kung saan nila bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage, habang ang No. 3 Gin Kings at No. 4 Llamados ang haharap sa No. 6 at No. 5 teams, ayon sa pagkakasunod, sa isang best-of-three quarterfinals series.
Alinman sa Ginebra at Derby Ace ang posibleng makatapat ng Uytengzu franchise sa quarterfinals series.
“It seems like a simple game from the outside looking in but there’s a lot of anxiousness, a lot of worries going into this game like this,” ani Aces’ head coach Tim Cone. “You know the other team is playing with no pressure.”
Mula sa 39-33 lamang sa halftime, nakalayo ang Alaska sa second half matapos itala ang isang 16-point advantage, 67-51, kontra Powerade sa huling 55.2 segundo sa third quarter galing sa three-point shot ni Mark Borboran.
Ipinoste ng Aces ang pinakamalaki nilang bentahe sa 20 puntos, 71-51, sa 11:15 ng final canto buhat sa tres ni Borboran bago ang mahabang 18-7 atake ng Tigers, tumapos na may eight-game losing slump, upang makalapit sa 69-78 sa 4:02 nito.
“(Sean) Anthony really played really well and that helps us prepare whoever we play on Friday,” sabi ni Cone sa Fil-Am rookie ng Powerade na umiskor ng career-high 29 points, 24 rito ay kanyang ginawa sa second half.
Alaska 86-- Baguio 21, Thoss 14, De Vance 12, Tenorio 10, Borboran 8, Dela Cruz 8, Eman 6, Cablay 3, Espiritu 2, Custodio 2.
Powerade 78 - Anthony 29, Espino 10, David 9, Macapagal 8, Gonzales 7, Lanete 5, Reyes 4, Enrile 2, Rizada 2, Antonio 2, Calimag 0, Laure 0, Ritualo 0, Mendoza 0.
Quarterscores: 22-16, 39-33, 67-51, 86-78.
- Latest
- Trending