^

PSN Palaro

1 gold, 2 silver sa Team Phl sa Para Games

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Dalawang pilak at isang tanso na ang nakukuha ng koponang inilalaban sa 2010 ASIAN Para Games sa Guangzhou China.

Ang beteranong runner na si Isidro Vildosola at ang powerlifter na si Achelle Guion ang mga umani ng pilak na medalya upang isama sa bronze me­dal ni swimmer Daniel Da­maso Jr.

Si Vildosola na edad 34 at beterano na ng malala­king marathon events sa bansa ay tumakbo sa men’s 1,500m T46 at naorasan ng apat na minuto at 21.33 se­gundo upang tumapos sa ikalawang puwesto kay ASL Abbas Dayani ng Iran na may bilis na 4:17.93.

Si Guion naman ay lu­ma­ban sa -44 kilogram di­vision at ang 39-anyos na beteranong lifter ay nakabuhat ng 70 kilos sa ikalawang attempt gamit ang body weight na 43.04 kilograms.

Tinangka niyang itaas ang nasabing marka sa 75 kilos sa ikatlo at hu­ling attempt pero nabigo siya upang malagay sa ika­lawang puwesto sa dibisyong pinagharian ni Zhe Cui ng China na gumawa ng 95 kilos.

Unang medalist ng ban­sa ay si Damaso na kumu­ha ng bronze medal sa la­rangan ng men’s 400m at 100m freestyle sa S12 kategorya sa mga tiyempo na 5:39.09 at 1:11.38 ayon sa pagkakasunod.

Naunang sinabi ng pa­munuan ng Philspada pre­sident Mike Barredo ang kakayahan ng bansa na ma­kapaghatid ng limang gintong medalya sa kompetisyon.

Sa pagkakaroon ng da­lawang pilak at isang tansong medalya, ang Pilipinas ngayon ay nasa ika-14 puwesto sa medal tally na pinangungunahan din ng China sa 71 ginto, 37 pilak at 35 bronze medals.

Ang Iran ang nasa ikalawang puwesto sa 14-10-8 habang ang Japan ang nasa ikatlong puwesto sa 13-22-15.

Nangunguna naman sa hanay ng mga Southeast Asian countries ang Thailand na nasa 4th place sa 7-17-17 habang ang Malaysia (4-6-15), at Vietnam (1-2-4) ang mga nakauna sa Pilipinas na nasa 6th at 12th places.  

ABBAS DAYANI

ACHELLE GUION

ANG IRAN

DANIEL DA

GUANGZHOU CHINA

ISIDRO VILDOSOLA

MIKE BARREDO

PARA GAMES

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with