MANILA, Philippines - Sisimulan ng Condura Skyway Marathon ‘2011 Run for the Dolphins’ ang running fever sa susunod na taon sa pamamagitan ng karera sa Pebrero 6.
Mula sa orihinal na Condura Run, binago ito sa bagong Condura Skyway Marathon bilang hakbang ng mga organizers na ihanay ito bilang premier marathon event sa Asia-Pacific region sa 2012.
“With re-branding comes a lot of improvements that will benefit our runners,” wika ni Condura Skyway Marathon founder and chief event officer Ton Concepcion. “We will be utilizing the D-Tag timing system used in the New York City marathon.”
Para bigyang daan ang malaking bilang ng mga entries, dalawang starting lines ang ipinoste ng mga organizers sa Ayala Ave. at sa Bonifacio Global City at ang finish line ay sa BGC.
Bibigyan ang mga runners ng isang special edition na dri-fit technical t-shirts.
Sa unang pagkakataon, ang mga 10k at 16k runners, kasama ang mga lalahok sa half-marathon, ay tatakbo sa Skyway sa pamamagitan ng isang point-to-point course na magsisimula sa Ayala Ave. at magtatapos sa Bonifacio Global City.