^

PSN Palaro

Condura Skyway run

-

MANILA, Philippines - Sisimulan ng Condura Skyway Marathon ‘2011 Run for the Dolphins’ ang running fever sa susunod na taon sa pamamagitan ng karera sa Pebrero 6.

Mula sa orihinal na Con­dura Run, binago ito sa bagong Condura Skyway Marathon bilang hakbang ng mga organizers na ihanay ito bilang premier marathon event sa Asia-Pacific region sa 2012.

“With re-branding co­mes a lot of improvements that will benefit our runners,” wika ni Condura Skyway Marathon founder and chief event officer Ton Concepcion. “We will be utilizing the D-Tag timing system used in the New York City marathon.”

Para bigyang daan ang malaking bilang ng mga en­tries, dalawang starting lines ang ipinoste ng mga organizers sa Ayala Ave. at sa Bonifacio Global City at ang finish line ay sa BGC.

Bibigyan ang mga run­ners ng isang special edition na dri-fit technical t-shirts.

Sa unang pagkaka­taon, ang mga 10k at 16k run­ners, kasama ang mga lalahok sa half-marathon, ay tatakbo sa Skyway sa pamamagitan ng isang point-to-point course na mag­sisimula sa Ayala Ave. at magtatapos sa Bonifacio Global City.

ASIA-PACIFIC

AYALA AVE

BIBIGYAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

CONDURA SKYWAY MARATHON

D-TAG

MARATHON

NEW YORK CITY

SHY

TON CONCEPCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with