^

PSN Palaro

Donaire dumating na sa bansa, dadalo sa kaarawan ni Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa ka­hapon si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. para dumalo sa pagdiriwang ni world eight-division champion Manny Pacquiao ng kanyang ika-32 kaarawan sa Biyernes sa Shangri-La Hotel sa Makati City.

Ang 28-anyos na si Do­naire ay lulan ng Philippine Airlines flight (PR-105) at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ganap na alas-3 ng ma­daling-araw.

Kasama ng tubong Talibon, Bohol ang kanyang asawang si taekwondo jin Rachel Marcial at ina­asahang makakasama ni­na promoter Bob Arum, trai­ner Freddie Roach at world super bantamweight king Juan Manuel Lopez ng Puerto Rico sa pagdalo sa kaarawan ni Pacquiao.

Nagmula si Donaire sa isang fourth-round KO kay Ukrainian Wladimir Sidorenko para makuha ang bakanteng World Boxing Council (WBC) Continental Americas bantamweight crown noong Disyembre 5 sa Honda Center sa Anaheim, California.

Ang panalo ni Donaire ang nagtakda sa kanyang paghahamon kay Mexican world bantamweight champion Fernando “Cochulita” Montiel sa Pebrero 19, 2011.

Idedepensa ng 32-an­yos na si Montiel ang kanyang mga hawak na World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight titles laban kay Donaire.

Bitbit ni Donaire ang kanyang 25-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 17 KO’s, habang dala ni Montiel ang 43-2-2 (33 KOs) slate.

BOB ARUM

CONTINENTAL AMERICAS

DONAIRE

FILIPINO FLASH

FREDDIE ROACH

HONDA CENTER

JUAN MANUEL LOPEZ

MAKATI CITY

MONTIEL

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with