^

PSN Palaro

Magkakaalaman ngayon

-

MANILA, Philippines - Sa gitna ng pagkakaroon ng komplikasyon sa puwestuhan sa quarterfinal round, nakatakda namang iparada ng Bolts sina Reed Juntilla at Mark Isip ng Ener­gy Boosters.

Tuluyan nang naplantsa ang isang five-player trade sa pagitan ng Meralco at talsik nang Barako Bull ma­tapos payagan ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud.

Nakuha ng Bolts sina Juntilla at Isip kasabay ng pagdadala kina Marlou Aquino, Khazim Mirza at Pong Escobal sa Energy Boosters.

Ang pagbandera kina Juntilla at Isip ang inaasahang magpapalakas sa kampanya ng Meralco sa pakikipagtagpo sa Rain or Shine ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska at sibak nang Powerade sa alas-5 ng hapon sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ang panalo ng Bolts sa Elasto Painters ang posibleng magtaas sa kanila sa No. 5 spot sa quarterfinals kung saan kinuha ng Tropang Texters at Beermen ang No. 1 at No. 2 seats, ayon sa pagkakasunod, bit­bit ang ‘twice-to-beat’ in­centive.

Makakatuwang nina Asi Taulava, Mac Cardona, Bitoy Omolon at Gabby Espinas sina Juntilla at Isip.

Magkasalo sa liderato ang Talk ‘N Text at San Miguel mula sa magkatulad nilang 11-3 rekord kasunod ang Barangay Ginebra (10-4), nagdedepensang Derby Ace (7-7), Alaska (6-7), Meralco (6-7), Air21 (6-8), Rain or Shine (5-8) at mga sibak nang Po­werade (3-10) at Barako Bull (3-11).

Ang Tropang Texters ang haharap sa No. 8 team, habang ang Beermen ang sasagupa sa No. 7 squad sa quarters kung saan isang panalo lamang ang kailangan nila para makapasok sa best-of-seven semifinals series.

Ang No. 3 Gin Kings at No. 4 Llamados ang ha­harap sa No. 6 at No. 5 teams, ayon sa pagkakasunod, sa isang best-of-three quarterfinals series.

vuukle comment

ANG NO

ANG TROPANG TEXTERS

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

ISIP

JUNTILLA

MERALCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with