^

PSN Palaro

Pro volleyball plano ng PVF

- Ni A. Tan -

MANILA, Philippines – Pagdaraos ng propes­yonal na torneo sa volleyball ang siyang pangunahing programa na balak isusog ng bagong pamunuan ng Philippine Volleyball Fede­ration (PVF).

Si Gener Dungo ang mauupo bilang pangulo na ng PVF kahalili ni Pete Mendoza sa isinagawang eleksyon kamakailan sa Hotel Indah, YMCA, Manila.

Hindi na tumakbo si Mendoza upang bigyan ng pagkakataon ang 35-anyos na si Dungo na magawa ang mga bagong ideya upang maibalik ang dating sigla ng sport sa bansa.

“May mga batang pla­yers na mula sa grassroots program ng nagdaang administrasyon at pipilitin natin silang manatili sa sport sa pagdaraos ng mga kom­petisyon sa elementary at secondary level,” wika ni Dungo.

Pero para mas buma­ngo ang volleyball sa bansa ay plano niya ang gumawa ng pro league na tulad sa Philippine Basketball Association (PBA).

 Palalakasin din niya ang PVF sa mga iimplementang pagbabago at gagamitin ang FIVB management sys­tem para maisunod ang pagpapatakbo sa pederas­yon sa international body.

DUNGO

HOTEL INDAH

MENDOZA

PAGDARAOS

PALALAKASIN

PETE MENDOZA

PHILIPPINE BASKETBALL

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDE

SHY

SI GENER DUNGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with