^

PSN Palaro

Arum dala na ang fight proposal

- Ni R. Cadayona -

MANILA, Philippines – Bibiyahe ngayon sina Bob Arum ng Top Rank Pro­motions at trainer Freddie Roach mula sa United States para dumalo sa ika-32 kaarawan ni Manny Pacquiao sa Disyembre 17 sa Shangri-La Hotel sa Makati City.

Personal na ilalatag ni Arum ang mga fight propo­sals nina Sugar Shane Mos­ley, Andre Berto at Juan Manuel Marquez.

Nakapaloob rito ang mga financial demands at iba pang requirements nina Mosley, Berto at Marquez para sa paghahamon sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao.

“We’ll present Manny with the information and, ultimately, it’s Manny’s decision who he fights,” sabi kahapon ni Arum. “We’ve talked to the other fighters and their promoters, so we know exactly where we stand.”

Inaasahang magdedesisyon na si Pacquiao kung sino kina Mosley, Marquez at Berto ang gusto niyang makaharap sa Abril 16, 2011 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Taglay ng Sarangani Representative ang kanyang 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 knockouts.

Si Mosley (46-6-1, 39 KOs) ay nagpunta sa Las Vegas noong Nobyembre kasama ang manager niyang si manager James Prince para makausap si Top Rank president Todd duBoef.

Natunghayan rin ng 39-anyos na si Mosley ang pagbugbog ni Pacquiao kay Mexican Antonio Margarito sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Kumpara kina Marquez (51-5-1, 37 KOs) at Berto (26-0-0, 20 KOs), mas kinakabahan si Roach kung si Mosley ang pipiliin ni Pacquiao.

“Everyone’s downpla­ying Mosley, but he’s a dangerous guy,” ani Roach.

Sinabi pa ni Roach na gustong bumaba ni Pac­quiao sa welterweight division na maaaring paglaba­nan nila ni Marquez para mabuo ang kanilang ‘trilo­gy’.  

ANDRE BERTO

BERTO

BOB ARUM

COWBOYS STADIUM

FREDDIE ROACH

JAMES PRINCE

LAS VEGAS

MARQUEZ

MOSLEY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with