^

PSN Palaro

'The best' si Vertek

- Ni Beth Repizo-Merana -

MANILA, Philippines –  Minsan pang ipinakita nina Eduardo "Vertek" Buenavista at Flordeliza Doños ang husay ng mga Pinoy.

Kaagad na kinuha ang unahan, hindi na nagpapigil pa ang two-time Olympic Games campaigner na si Buenavista upang pagharian ang men’s 42-kilometer race sa 34th Milo Nationals Finals kahapon sa Quirino Grandstand sa Luneta Park.

Nagsumite ang tubong Sto. Niño, South Cotabato ng tiyempong 2:24:18 para angkinin ang kanyang ikatlong Milo Nationals Finals crown at itakbo ang premyong P300,000.

Ginawa ito ng 5-foot-1 na si Buenavista sa harap ng matatangkad at mahahaba ang biyas na sina Kenyans Willy Tanui at William Kipyego.

Nagposte ang 6'2 na si Tanui ng oras na 2:29:00 para pumangalawa kasunod ang 5'11 na si Kipyego (2:30:19).

“Ang focus ko talaga nasa magiging takbo ko at hindi ko iniisip ‘yung mga Kenyans,” ani Buenavista, may hawak ng Philippine record sa 5,000M (13:58:00) at 10,000M (29:02.36). “Okay lang naman kung sumali ang mga Kenyans kasi tataas ang level of competition natin.”

Maliban kina Tanui at Kipyego, ang iba pang Ken­yan runners na sumali sa 42K ay sina Philip Ronah at Abraham Missos na nagtala ng mga oras na 2:35:38 at 2:36:06, ayon sa pagkakasunod, para pumuwesto bilang No. 7 at No. 8.

“He is a very strong runner. I hope I can compete against him in some other races,” pagpuri naman ni Tanui kay Buenavista.

Nabigo si Buenavista na burahin ang rekord niyang 2:18:53 sa Milo National Finals.

 Si Buenavista ay may personal record na 2:18:44 sa Oita, Japan noong 2004.

Nagtapos ang national team mainstay bilang 17th-placer sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China mula sa kanyang mabagal na oras na 2:45:07.

Inangkin naman ng 22-anyos na si Doños ang premyong P300,000 sa women's side mula sa kanyang bilis na 3:05:07 para talunin sina Kenyan Susan Jemutai (3:07:52) at local bet Mary Joy Tabul (3:08:38).

Sina Buenavista at Doños ay sabay na nagsanay sa Baguio City bilang paghahanda sa 34th Milo National Finals.

"Sabay kami ni Vertek na nag-training sa Baguio ng halos tatlong buwan, sabi ni Doños, nagtapos ng Criminology sa Univesity of Baguio. "Mabuti naman at naging maganda ang resulta.”

“That woman is faster, and we were not able to get close to her in the last five kilometers,” sabi ng 28-anyos na si Jemutai, kasalukuyang naninirahan sa isang apartment sa Taytay, Rizal.

Pumang anim naman ang isa pang Kenyan na si Kenyan Irine Kipchumba sa kanyang oras na 3:19:54.

Sina reigning women’s titlist Christabel Martes at national team mainstays Jho-An Banayag ay ipinatawag ng kanilang mother units sa Philippine Army kaya hindi nakalahok na naging bentahe naman ni Doños..

Bagamat nabigo ang mga Kenyans sa men’s at women’s 42K event, nakasingit naman ang kanilang kababayang si James Tallam nang manguna sa men’s 21K sa bilis na 1:10:23 kasunod ang mga Pinoy na sina Rafael Poliquit (1:12:41) at ang beteranong si Roy Vence (1:12:50).

Sa distaff side, nagreyna si local pride Nhe Anna Barcena sa itinalang 1:27:24 sa itaas nina Jessa Maangsat (1:31:23) at Jenneth Oqura (1:38:19).

ABRAHAM MISSOS

ASIAN GAMES

BAGUIO CITY

BUENAVISTA

CHRISTABEL MARTES

FLORDELIZA DO

JAMES TALLAM

MILO NATIONAL FINALS

MILO NATIONALS FINALS

TANUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with