Coyiuto, Altiche kampeon
MANILA, Philippines - Ginitla ni second ranked Samantha Coyiuto si top seed Anne Castillo, 6-2, 6-2, para angkinin ang 18-and-under girls’ crow, habang binigo ni No. 1 John Altiche si Betto Orendain, 5-7, 6-3, 6-2, sa boys’ side ng 1st Philippine Sports Commission Metro 2010 Age Group Tennis Championships kahapon sa Rizal Tennis Center.
Dinomina ni Coyiuto, sinibak si Bea Ebriega, 6-0, 6-1, sa semis, si Castillo sa kanyang all-around game para sa naturang inaugural staging ng two-stage Group I tournament na suportado ni PSC chairman Richie Garcia.
Bumawi naman si Altich mula sa isang first set setback upang talunin ang eighth-ranked na si Orendain sa boys’ 18-under class.
Si Orendain ang namayani sa boys’ 16-under category matapos igupo si No. 6 Hans Asistio, 6-7, 6-4, 6-0, habang pinayukod ni No. 7 Jose Cano si fourth seed Eric Olivarez, 7-5, 7-6(2), para sa 14-and-under diadem.
Pinagharian naman nina top seeds Julian Dayrit at Joseph Tiamson ang kani-kanilang events.
- Latest
- Trending