^

PSN Palaro

Mongahis, Remigio nagdomina sa ITT stage

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naisakatuparan ng idinadaos na ICFP 2010 National Open Cycling Championships na makatuklas ng bagong pangalan nang manalo si Nelson Monga­his sa 40-km Individual Time Trials kahapon sa Ja­­la Jala, Rizal.          

Umabot sa 47 siklista ang lumahok sa panimulang araw sa dalawang araw na road races at si Mo­ngahis ang lumabas na pinakamatulin sa distansya at hiniya nga ang mga mas beteranong sina Reynaldo Navarro at Lito Atilano.

Kamag-anak ng Tour veteran na si Nilo Mongahis, si Nelson na isang bike mechanic at nanghiram pa ng bisikleta para makasali sa kompetisyon ay hindi natinag sa malakas na hangin at ilang malubak na daanan nang isumite ang pinaka­mabilis na tiyempo na 57 minuto at 8.86 segundo.

Mas matulin siya kay Na­varro na ikalawa at hu­ling siklistang nakapagtala ng mababa sa isang oras na tiyempo sa 57:28.32 ha­bang si Atilano ay nasa malayong ikatlong puwesto sa 1:00:16.42.

“Gusto ko tala­gang manalo kaya kahit maghanap ako ng mahi­hiraman ng bike para magamit ko. Masaya ako dahil nanalo ako,” wika ni Mongahis.

Ang panalong ito ni Mongahis ay patunay sa naunang sinabi ni ICFP president Dr. Philip Ella Juico na marami pang mga mahuhusay na siklista na hindi pa natutuklasan kung kaya’t pinangunahan niya ang pagbabalik ng National Open.

Suportado rin ng Shang-ri-La Finest Chinese Cuisine, Pepsi, Gatorade, Magnolia Water and New San Jose Builders, nakisalo kay Mongahis sina Ana Marrisa Remigio nang kunin ang female elite habang si McJohn Lili ang nagdomina sa juniors division.

Ikalawang gintong me­­dalya ang kinuha ni Anna Marissa Re­migio sa kompetisyon nang makapagsumite ng 32:16.24 tiyempo para talunin si Kaye Lopez, ang nangibabaw naman sa 1000m individual pursuit kamakalawa. Si Lili ay nagkaroon ng tiyempo na 1:03:23.36 para talunin si Lawrence Mendoza na mayroong 1:04:21.81.

Si Mayor Ely Pillas ang siyang naggawad ng tropeo sa mga nagsipanalo.

Samantala, magtatapos ang kompetisyon ngayon sa pagtakbo ng 165-km road race mula Quezon City hanggang Laguna at ba­balik ng QC.

Ang mga bigating sik­lista ng lansangan ang ina­asahang tutugon kapag pinaputok na ni QC Mayor Herbert Bautista ang starting gun bilang hudyat ng pagsisimula ng kompetisyon.

ANA MARRISA REMIGIO

ANNA MARISSA RE

DR. PHILIP ELLA JUICO

INDIVIDUAL TIME TRIALS

KAYE LOPEZ

LA FINEST CHINESE CUISINE

LAWRENCE MENDOZA

MONGAHIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with