Asian Games gold medalists sasabak sa mabibigat na torneo

MANILA, Philippines - Matapos kunin ang tat­long gold medals sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China, ilang mabibigat na torneo naman ang lalahukan nina bowler Biboy Rivera, billiards master Dennis Orcollo at boxer Rey Saludar.

Lalahok si Rivera sa se­ven-leg World Tour sa Peb­rero at sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Pinayagan na rin si Ri­vera ng Philipine Bow­ling Congress (PBC) na magsanay sa ilalim ng kan­yang personal coach na si Madoka Amano.

“Nahirapan kasi ako nitong nakaraan taon dahil sa ensayo sa personal coach ko tapos ensayo na naman sa national team coach, kaya medyo naapektuhan ang laro ko,” ani Rivera kahapon sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Malate, Manila.

Si Rivera ang unang Filipino athlete na nakasikwat ng gold medal sa 2010 Guangzhou Asiad kasunod sina Orcollo at Saludar.

Malakihan torneo rin ang sasalihan ng 32-anyos na pambato ng Surigao na si Orcollo sa 2011

Pangarap naman ni Sa­ludar na makalahok sa 2012 Olympic Games sa London.

Show comments