Prulla tinapos ni Dayrit, sa finals na
MANILA, Philippines - Tinapos ni top seed Julian Dayrit ang pananalasa ni Chris Justine Prulla matapos kunin ang 6-0, 6-0 panalo upang sikwatin ang unang finals berth sa boys’ 12-and-under division ng 1st Philippine Sports Commission Metro 2010 Age Group Tennis Championships sa Rizal Tennis Center.
Ito ang ikatlong pagdomina ni Dayrit sa isang laro matapos gibain sina Vincent Jerome Anida, 6-0, 6-1, sa second round at sixth pick Jerome Romualdez, 6-0, 6-0, sa quarterfinals sa weeklong meet na suportado ni PSC chairman by Ritchie Garcia.
Tinalo naman ni No. 4 Akiko de Guzman si No. 2 Anne Rene Castillo, 6-3, 6-4, para makalaban sa isang title duel si unseeded Ma. Angelica Sunga, nakakuha ng first round bye at nanalo sa kanyang dalawang laro via walkover sa girls’ 16-and-under.
Pumasok naman si Sunga sa finals ng girls’ 14-and-under nang kunin ang 6-2, 6-2 panalo kay No. 1 Maia Bernadete Balce.
- Latest
- Trending