Leksyon kay Donaire at RP Football

Maraming dapat na ikasiya ang mga Filipino sports fans nitong nakaraang linggo.

Nangunguna riyan siyempre ang pagkapanalo ng Filipino ‘Flash’ na si Nonito Donaire Jr. na pinabagsak si Wladimyr Sidorenko. Hindi masyadong nabalita ang pagsabak ni Donaire, dahil natabunan ito ng panalo ni Manny Pacquiao.

Gayunman, isang panibagong tagumpay ito kay Donaire. Dagdag karangalan ang WBA interim super flyweight (115 pounds) na pang-24 na panalo niya.

Isa pang kagila-gilalas sa panalo ni Donaire ay ito ang unang pagkakataon na ang Ukrainian bantamweight (118 pounds) na si Sidorenko ay nakaranas ng knockout sa kanyang career.

Mabuhay si Donaire!

* * *

Isa pang dapat na ikalundag sa tuwa ng mga Filipino sports fans ay ang pambihirang panalo ng Philippine football team sa Suzuki Cup sa Vietnam na AFF Su­­­zuki Cup na pinaka-prestihiyosong tournament sa buong Southeast Asia.

Nagsawa na yata ang Philippine football team sa pagiging kulelat taun-taon. Halos taun-taon kasi ay umuuwing luhaan ang Pilipinas sa torneong ito.

Pero sabi nga, malaki ang improvement ng ating football team. Maraming nadagdag na magagaling na half-Pinoys sa koponan. Nariyan ang magkapatid na Phil at James Younghusband bukod pa kina Neil Etheridge, Matthew Hartmann, Ray Johnson, Chris Great­wich at Stephan Schrock.

Bukod dito ay binigyan din ng sapat na exposure ang koponan sa tulong ng government at private spon­sorships. 

Hindi lamang kasi ang mga Vietnamese football players ang kalaban ng Philippine football team sa se­mifinal ang buong bansa na yata. Mahigit sa 40,000 Vietn­ams ang nanonood ng laban. Isipin n’yo na lamang ang nararamdaman ng ating koponan. Pero siyempre hindi sila nagpadala sa kaba, sa halip ginamit nila ito para umangat at mabigyan ng tagumpay ang bansa.

Dalawang beses tayong nakaiskor, una sa header ni Chris Greatwich sa 37th minute, at sumunod ang goal ni Phil Younghusband sa 70th minute para masiguro na ang itinuturing na isa sa pinakamalaking upset sa kasaysayan ng torneo.

* * *

Ano ang moral o lessons sa mga istorya na ito.

Simple lang. Nararapat na siguro na mag-isip na ang Philippine Sports Commission, private companies at iba pang mahilig mag-sponsor sa sports na tama ba na basketball lamang ang pagtuunan ng pansin o pagbuhusan ng pondo gayong maraming mas maypagkukunan ng medalya sa sports

Marahil ay kinakailangang repasuhin ng ating mga sports officials ang kanilang prayoridad. Kinakailangan nilang planuhin kung ano nararapat na thrust ng Philippine sports sa susunod na anim na taon.

Show comments