SSC-R Stags Run 2011 itinakda sa Jan. 16
MANILA, Philippines - Isang patakbo na naglalayong makakalap ng pondo para itulong sa mga mahihirap ang planong gawin ng San Sebastian College-Recoletos sa susunod na taon.
Tatawaging SSC-R Stags Run 2011, ang isang araw na patakbo ay balak pagkuhanan ng humigit-kumulang na P1 milyong pondo para gamitin sa kanilang mga missionary at charity work na hindi lamang sa bansa kungdi sa ibang bansa na kung saan tumutulong ang Order of Augustinian Recollects (OAR).
“This is not just a race that will promote healthy lifestyles but also to raise funds for our missionary work and charity programs. We also want to generate funds to give scholarships to deserving but less fortunate students,” wika ni Fr. Leander Barrot, OAR, at VP ng Academics sa paglulunsad ng patakbo sa Makati City kahapon.
Nakasama ni Fr. Barrot si Fr. Leonardo Pauligue, OAR, na VP for Administration bukod pa ng ilang athleta ng Stags.
Ang patakbo ay isasagawa sa Enero 16 sa Mall Of Asia (MOA) sa Pasay City at katatampukan ito ng aksyon sa 10k, 5k at 3k distansya. Ang mga nagbabalak na sumali ay magbabayad ng registration fee na P500 na kapapalooban na ng race bib at singlet.
- Latest
- Trending