Padilla inasinta ang korona sa RP Open

MANILA, Philippines - Tinanghal si veteran internationalist Nathaniel “Tac” Pa­dilla bilang national rapid fire champion para sa ika-31 taon, habang pinatatag naman ni Jayson Valdez ang kan­yang posisyon bilang top rifleman ng bansa sa 2010 Phi­lippine Open shooting championships sa PSC/Marine range sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Padilla, ang naghaharing Southeast Asian Games rapid fire titlist, ay nagpaputok ng 558 points para talunin sina Robert Donalvo (531) at Inocentes Dionesa (507) sa rapid fire event noong Sabado.

Nagtala naman siya ng 553 points upang gibain sina Donalvo (534) at Ronald Hejastro (526) noong Linggo.

Winalis ng 14-anyos na Malate Catholic School junior na si Valdez at produkto ng National Youth Development Prog­ram ang mga gold medals sa men’s 50-meter prone competition at 10-meter air rifle event.

Naglista si Valdez ng 581 points para igupo sina Rocky Pardilla (577) at Eddie Tomas (573) sa men’s pro­ne event at nagposte ng 586 pang gibain sina Allen Pin­lac (572) at Filbert Tan (567) sa men’s arifle.

Ang iba pang gold medalists sa torneong inorganisa ng Philippine National Shooting Association ay sina Inna Therese Gutierrez, 50-meter women’s prone; Isabelle Eufemio, 10-meter women’s air rifle; PAGCOR’s Carolino Gonzales, 50-meter men’s pistol; Patricio Bernardo, skeet; at Olympian Eric Ang, trap

Show comments