Si Martinez na ang gusto ni Roach na ikasa kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Kung may isang boksi­ngero bukod kay Juan Ma­nuel Marquez na nais na makatapat ni Freddie Roach para kay Manny Pac­quiao, ito’y si Sergio Mar­tinez na kampeon ng WBC at WBO middleweight division.

Sa panayam ng Fightnews.com, sinabi ni Roach na mahusay si Martinez matapos ngang patulugin si Paul Williams sa second round ng kanilang tagisan noong Nobyembre 20 sa New Jersey.

“He’s a good athlete. He’s fast. I don’t thing he’s a great fighter,” banggit ni Roach na naniniwalang hin­di rin uubra si Martinez kay Pacquiao kung mase­selyuhan ang laban.

Pero kung pumayag man si Martinez na harapin ang kauna-unahang eight-division world champion sa hinaharap, mangyayari ito sa isang catchweight.

“I’d like to see him (Pacquiao) fight Martinez at the right weight. Martinez at the right weight I think can be the most exciting fight out there,” dagdag pa ni Roach.

Kailangang ilagay sa catchweight ang laban dahil hindi na papayagan pa ni Roach na lumaban si Pac­quiao ng lampas sa 147 pound limit.

Ang huling laban ni Pac­quiao ay kay Antonio Margarito sa 151 pounds at nakita ang epekto kay Pacman nang indahin din ng ilang araw ang mga suntok na tinanggap mula sa mas malaking kalaban.

Si Marquez ang isa ring sa mga boksingerong nais ni Roach na makatapat uli ni Pacquiao upang mapatigil na umano ito sa kanyang pangangalandakan na siya ang tunay na nanalo sa dalawang pagtutuos nila.

Nauwi sa tabla ang unang sagupaan noong 20­04 habang nanalo sa pamamagitan ng split decision si Pacquiao sa ikalawang paghaharap noong 2008.

Kung mangyayari nga ang mga pangarap na la­bang ito ay malalamang mangyari sa huling buwan ng 2011 dahil isinususog ng ibang kasapi ng Team Pacquiao si Sugar Shane Mosley upang makaharap nito sa labang itinakda sa Abril.

Si Bob Arum ng Top Rank ay darating sa bansa upang makiisa sa paggunita ng ika-32 ka­ara­wan ni Pacquiao sa Disyembre 17 at dala niya ang pangalan nina Mosley, Marquez at Andre Berto upang mapagpilian nito.  

Show comments