^

PSN Palaro

Beteranong rider binuhat ang Sibuyan-AFP sa team pursuits finals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - May asim pa ang two-time SEA Games gold medalist na si Alfie Catalan.

Nagpasikat si Catalan ng ilabas ang bilis sa track upang pangunahan ang pagpasok ng Sibuyan-AFP sa team pursuit finals. Umusad din ang dating pambato ng bansa sa SEAG sa finals sa individual category para ma­ipakita na siya pa rin ang pambato ng bansa sa na­sa­bing mga events.

Kasama sina Warren Davadilla at Emerito Atilano, naorasan ang Sibuyan-AFP ng limang minute at 26.35 segundo upang talunin ang nakalabang Team Taguig sa pagmamando ni Arnel De Jesus.

May 5:26.61 oras ang Team Taguig upang makontento na lamang sa bronze medal.

Makakalaban ng Sibuyan-AFP ang Team Roosevelt na binubuo nina Arnold Mendoza, Alvin Benosa, Rey­naldo Navarro at Paulo Manapul, ang koponan na nagsumite ng pinakamabilis na tiyempo sa team event na 5:16.77.

Dahil dito, mas pinapaboran ang Team Roosevelt na manalo ng ginto sa finals na gagawin bukas.

Sa individual pursuit, dinaig ni Catalan si Arnel Quirimit sa bilis na 5:33.10, upang makuha ang karapatang labanan sa finals si Benosa na tinalo naman ang kakampi sa Team Roosevelt na si Navarro sa 5:37.91 tiyempo.

Si Kaye Lopez at Ana Marie Remigio naman ang maglalaban sa 3000m women’s individual pursuit nang magsumite ang dalawa ng pinakamabilis na tiyempo.

Ang kompetisyon na suportado ng Shangri-La Fi­nest Chinese Cuisine, Pepsi, Gatorade, Magnolia Water at New San Jose Builders ay magpapatuloy ngayon sa pag­daraos ng mountain bike sa Timberland Heights, San Mateo, Rizal.

Sina Kaye Lopez at Ana Marie Remigio naman ang magtatagisan sa kampeonato sa kababaihan sa 3000m distansya.

Naorasan si Lopez ng 4:57.28 habang si Remigio ay mayroong 5:01.27 bilis sa elimination kahapon.

Magpapatuloy ang labanan ngayon sa paglarga ng mountain bike competition sa Timberland Heights, San Mateo, Rizal.

vuukle comment

ALFIE CATALAN

ALVIN BENOSA

ANA MARIE REMIGIO

ARNEL DE JESUS

ARNEL QUIRIMIT

SAN MATEO

SIBUYAN

TEAM ROOSEVELT

TEAM TAGUIG

TIMBERLAND HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with