^

PSN Palaro

2nd QCIM sa Kenyans uli

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling di­nomina ng mga Kenyan runners ang Quezon City International Marathon.

Pinagharian ni Robert Kosgei ang men’s division, habang ang kababayang si Lydia Jerotich Rutto ang nagreyna sa women’s class sa centerpiece men’s at women’s 42-kilometer races kahapon sa QC Memorial Circle.

Naglista ang 32-anyos na si Kosgei ng bilis na 2:23.52 para burahin ang dating 2:30.08 ng kababa­yang si Hillary Kipchumba noong 2009 at ibulsa ang top prize P250,000.

Inungusan ni Kosgei ang Kenyan ring si Camsur International kingpin Richard Kemeli Kimboi (2:23.31) na tumanggap ng P100,000 kasunod ang kababayang si Erick Kimaiyo (2:33.55) na nakakuha ng P50,000 sa culminating event ng pagdiriwang ng 72nd foundation anniversary ng Quezon City.

Tumapos naman si Filipino bet Eric Panique sa 10th spot sa kanyang oras na 2:32.36.

Tumiwalag naman si Rutto sa isang three-man pack sa huling kilometro upang iposte ang tiyempong 2:54.08 at angkinin ang P250,000.

Binasag ni Rutto ang 2:58.59 record ng kababa­yang si Doreen Kitaka noong 2009 kasunod ang mga kagrupong sina Florence Chepkurui (2:55.58) at Zeddy Chepkoech (2:55.56). Si Mischelle Gilbuena ay tumapos sa sixth spot sa ilalim ng anim na Ken­yan entries sa kanyang oras na 3:15.48.

Ang mga Kenyans rin ang namayani sa men’s at women’s 21K races mula sa mga panalo nina Silas Gichom (1:16.45) at Susan Terkeptai (1:41.19).

vuukle comment

CAMSUR INTERNATIONAL

DOREEN KITAKA

ERIC PANIQUE

ERICK KIMAIYO

FLORENCE CHEPKURUI

HILLARY KIPCHUMBA

KOSGEI

LYDIA JEROTICH RUTTO

MEMORIAL CIRCLE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with