Barrera mas gusto si Mosley o Berto na ikasa kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Kung siya ang papipiliin ay mas gusto ni Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera na makaharap ni Manny Pacquiao ang alinman kina American Sugar Shane Mosley at Andre Berto.
“I want to see Berto or Shane Mosley. Shane Mosley, he’s my friend, he’s a very good fighter too,” ani Barrera, may bitbit na 66-7-0 win-loss-draw ring record kasama ang 43 KOs sa kanyang pagreretiro.
Hindi isinama ng 36-anyos na si Barrera ang pangalan ng 38-anyos na si Juan Manuel Marquez para sa mga posibleng makasagupa ng 31-anyos na si Pacquiao (53-3-2, 38 KOs) sa Abril 16, 2011 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Marquez is now 38 years old. I don’t know. Maybe it’ll be better to put a new fight like Berto. He’s now very strong,” sabi ng tinaguriang “Baby-Faced Asssasin”.
Si Marquez (51-5-1, 37 KOs) ay may 1-1 rekord laban kay Pacquiao at minsan na ring tinalo si Barrera via unanimous decision noong Marso 17, 2007 para sa World Boxing Council (WBC) super featherweight belt.
Dalawang beses namang binigo ni Pacquiao si Barrera noong Nobyembre 15, 2003 via 11th-round TKO at noong Oktubre 6, 2007 mula sa isang unanimous decision.
Nasa listahan rin ni Arum si Floyd Mayweather, Jr. (41-0-0, 25 KOs).
- Latest
- Trending