PCCL crown kukunin na ng Adamson
MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ngayon ng Adamson ang kanilang kauna-unahang men’s basketball crown matapos ang pitong taon laban sa defending champion Ateneo sa Game 2 ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) finals sa Philsports Arena.
Sariwa pa sa kanilang 80-78 paglusot sa opening ng kanilang best-of-three titular showdown, kumpiyansa ang Falcons na magagawa uli nilang malusutan ang Eagles at muling tanghaling kampeon mula ng kanilang dominahin ang University Games noong 2003 at ang UAAP nooong 1977.
Bunga ng magandang pagtatapos ng San Marcelino-based cagers sa kanilang mga nakaraang sinalihang torneo kung saan tumersera sila sa UAAP ay pumangalawa naman sa Unigames, umaasa ang Adamson fans na magtuluy-tuloy ang ganitong sistema at magagawang mapagharian ng Adamson sa pagkakataong ito ang PCCL.
“Even if we did not win (the title) in the UAAP, it will be a great achievement for us if we win the PCCL and be the national champions,” said coach Leo Austria in Filipino.
- Latest
- Trending