^

PSN Palaro

Arcilla nagpaparamdam, sinibak si Anasta sa PCA Open

- Joey Villar -

MANILA, Philippines –  Tinalo ni dating RP No. 1 Johnny Arcilla si veteran campaigner Rolly Anasta, 6-1, 6-1, para sa kanyang title-retetion bid sa pagsisi­mula ng 29th Philippine Columbian Association Open sa indoor shell-clay courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila kahapon.

Kaagad na inalisan ng pag-asa ng 28-anyos na si Arcilla si Anasta, palagian nang lumalahok sa nasabing annual at richest local tennis tournament sa bansa, sa first set patungo sa kanyang tagumpay.

Hangad ni Arcilla ang kan­yang pang limang su­nod na korona at ikaanim sa kabuuan sa netfest na inihahandog ng Cebuana Lhuillier.

“Magandang simula ito pero tiyak na mas malalakas pa ang makakalaban ko,” wika ni Arcilla.

Binigo naman ni Fili­pi­no-American Andrew Coo­ney si local bet Jessie Lapore, 6-1, 6-0, papasok sa second round.

“Hindi ko pa siya napa­panood maglaro pero pag­hahandaan ko siya sa laban namin sa se­cond round,” ani Arcilla kay Coo­ney.

Umiskor rin ng mga panalo sina Fil-Am Rickey Baylo at Patrick John Tierro.

AMERICAN ANDREW COO

ARCILLA

CEBUANA LHUILLIER

FIL-AM RICKEY BAYLO

JESSIE LAPORE

JOHNNY ARCILLA

PATRICK JOHN TIERRO

PHILIPPINE COLUMBIAN ASSOCIATION OPEN

PLAZA DILAO

ROLLY ANASTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with