^

PSN Palaro

Donaire pakay ang 5th round KO na panalo: Laban kay Sidorenko ngayon

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Eksakto ang timbang ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa official weigh-in kahapon para sa kanilang salpukan ni Ukranian fighter Wladimiro Sidorenko ngayon sa Honda Center sa Anaheim, California.

Nasukatan ang tubong Talibon, Bohol ng bigat na 118 pounds, habang mas ma­baba naman sa 117.6 lbs si Sidorenko.

“I feel good. I’m happy I get to eat and I get to drink. I just gotta get it done tomorrow,” sabi ng 28-anyos na si Donaire, lalabanan ang 34-anyos na si Sidorenko para sa World Boxing Association (WBA) bantamweight title.

Dala ni Donaire ang kanyang 24-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KO’s kumpara sa 22-2-2 (7 KO’s) slate ni Sidorenko, dating naghari sa WBA bantamweight division.

“I’m 100 percent ready for the fight,” sambit ni Do­naire.

Pakay rin ni Donaire sa labang ito na patulugin si Sidorenko sa fifth round at sa opening bell pa lamang ay agad niya itong pauulanan ng solidong kumbinasyon.

Kung manalo si Donaire kay Sidorenko, itatakda ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions ang kanilang unification fight ni World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight king Fernando “Cochulito” Montiel (43-2-2, 33 KOs) ng Mexico sa Pebrero 19, 2011.

Subalit hindi pa ito iniisip ni Donaire.

“A lot of people fall into the trap of being so concentrated on the next fight that they let their concentration lapse on the fight they have,” ani Donaire.

Si Donaire ay nagkam­peon sa flyweight class ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) nang patulugin ang dating haring si Vic Darchjinyan via fifth-round KO noong Hulyo ng 2007.

Sakaling magdomina sa bantamweight class, ba­lak naman ni Donaire na kumampanya sa super ban­tamweight, featherweight at maging sa super featherweight at lightweight kagaya ng 31-anyos na si world eight-division champion Manny Pacquiao.

“Manny Pacquiao is Manny Pacquiao. Nonito Donaire is another kind of fighter, but also a terrific fighter,” sabi naman ni Arum kina Pacquiao at Donaire.

Para maging maganda ang kanyang kondisyon, kinuha ni Donaire ang serbisyo ni controversial nutritionist Victor Conte Balco.

Si Balco ay umamin na nagbibigay ng steroids sa ilang professional athletes noong 2005.

Ibinibigay ni Conte kay Donaire ang nutritional meal replacement shakes.

BOB ARUM

DONAIRE

FILIPINO FLASH

HONDA CENTER

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

NONITO DONAIRE

SI BALCO

SIDORENKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with