Pacquiao, lalaban sa Revilla Cup
MANILA, Philippines - Kabilang si eight division champ Manny Pacquiao sa mga sikat na Pinoy cockfight aficionados ang sasabak sa grand Revilla Cup seven-cock invitational derby sa Disyembre 7, 9, at 11 sa Cavite Coliseum and Derby Center sa Bacoor. Cavite.
Ayon kay event coordinator Melba Ibanez, bukod sa Sarangani lawmaker ay magiging bahagi rin ng seven cup derby ang mga leading cocker-breeders na sina Elwin Javelosa ng Bacolod, Bebot Uy at Rey Castañeda ng Davao at Patrick Antonio.
Ang pinanabikang Revilla Cup, na nasa ika-20 taon na, ay may guaranteed prize na P3,000,000. Ang pot money ay nasa P55,000 at P22,000 naman ang minimum bet.
Itinakda ng pagsumite ng timbang sa Dec. 6, 8, at 10 mula 8 am-10 pm. Ang derby ay magsisimula ng 6 pm. Si Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang magsisilbing host sa derby day.
- Latest
- Trending