^

PSN Palaro

NU, Ateneo bumangon sa UAAP baseball

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sinandalan ng National University ang husay ni MJ Gante habang buma­ngon naman ang Ateneo buhat sa huling kabiguan sa pagpapatuloy ng UAAP baseball kahapon sa Rizal Memorial Baseball Field.

Si Gante ay may two of four at bat sa isang single at double at naasahan din siya sa pagpukol nang kunin ang mound sa starter na si Mick Natividad upang maalis ang momentum na tila nakuha ng UP tungo sa 5-3 panalo.

Ang ikalawang run nga ni Gante ay nagpasiklab sa 2-runs, 2-hits na ginawa ng Bulldogs sa top of the eight inning para mahawakan ang 5-0 kalamangan.

Ngunit bumangon ang Maroons at kinapitalisa ang panlalamig ni Natividad na nagpapasok ng tatlong runs sa tatlong hits at makapanakot sa 5-3 iskor.

Na-hold ng UP ang NU sa palo sa top of the ninth inning pero hindi rin nakaporma ang Maroons dahil si Gante na ang pumukol at iniretiro ang huling tatlong UP batters na hinarap.

Pumangalawa sa Adam­son sa nagdaang edis­yon, ang NU ay nakabangon din buhat sa 5-8 kabiguan sa UST upang makatabla ang UP at Ateneo sa 1-1 karta.

Si Joshua Rapaport na naghatid ng dalawang runs, ang siyang tumayong bida sa Ateneo nang ibigay ang insurance ran tungo sa 4-3 tagumpay sa La Salle.

Tumapat ito sa base sa isang fielder’s choice, ninakaw ang second base bago umusad sa third at tumawid sa homeplate sa isang throwing error para bigyan ng 4-1 kalamangan matapos ang pitong inning.

Humataw ng two-run single si Gabriel Baroque sa bottom eight upang makadikit ang Archers sa 4-3 iskor pero hindi na pinahintulutan pa ng Eagles na makaporma pa ang karibal nang tulungan ang pitcher na si Adrianne Bernardo na iretiro sina Giann Almendras, Joseph Salud at Paolo Mallari.

ADRIANNE BERNARDO

ATENEO

GABRIEL BAROQUE

GIANN ALMENDRAS

JOSEPH SALUD

LA SALLE

MICK NATIVIDAD

NATIONAL UNIVERSITY

PAOLO MALLARI

RIZAL MEMORIAL BASEBALL FIELD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with