^

PSN Palaro

Photo contest sa National Open inihayag

-

MANILA, Philippines – Itatampok sa 2010 Na­tio­nal Open Cycling Championships ang isang photo contest na magpapakita sa pinakadramatikong sandali ng naturang event na nakatakda sa Disyembre 6-11.

Ito ang inihayag kahapon ni Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) president Dr. Philip Ella Juico kung saan ang magkakampeon ay tatanggap ng P15,000, ha­bang ang runner-up ay bi­bigyan ng P10,000 at ang third placer ay magbubulsa ng P5,000.

“The editors of the winning photographers will also be taking home the same prize. Very soon, we will announce the main sponsor of our cycling tournament and photo contest. This is our own tribute to our outstanding photo journalists,” ani Juico, dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at dating Secretary ng Department of Agrarian Reform sa ilalim ng namayapa nang si Pre­sident Corazon Aquino.

Ang isang photographer ay maaaring magsumite ng kanyang published entries ng 2010 National Open sa ICFP office sa Amoranto Velodrome.

Ang larawan ay dapat na inilagay sa illustration board kasama ang newspaper clipping, pangalan ng photographer at titulo nito.

Isang grupo ng mga judges mula sa sponsors at ICFP officials ang pipili ng best photos.  

Samantala, sumali na rin ang Shangri-La Finest Chinese Cuisine sa Times St., West Triangle, Quezon City sa listahan ng mga backers ng 2010 National Open. 

AMORANTO VELODROME

CORAZON AQUINO

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DR. PHILIP ELLA JUICO

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

NATIONAL OPEN

OPEN CYCLING CHAMPIONSHIPS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

QUEZON CITY

SHANGRI-LA FINEST CHINESE CUISINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with